Panukalang K+10+2, agad tatalakayin ng House Committee on Basic Education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si House Committee on Basic Education Chair Cong. Roman Romulo na talakayin ang bagong K to 12 program na itinutulak ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Tinutukoy nito ang House Bill 7893 o “K + 10 +2” Bill kung saan babalik sa sampung taon ang basic education at magkakaroon naman ng dalawang taong preparatory university education para sa mga nais tumuloy sa professional degree.

Sa isang press forum, sinabi ni Cong. Romulo na hinihintay pa niyang mai-refer sa komite ang panukala para mapag-aralan ang nilalaman nito.

Ayon sa mambabatas, kailangang maipaliwanag sa panukala kung bakit epektibong opsyon ang K+10+2 para sa mga mag-aaral.

Prayoridad aniya nila sa komite na masigurong ang pinakamainam na ‘educational pathway’ ang maibibigay sa mga kabataan.

Una nang tinukoy ni Deputy Speaker Arroyo na marami pa rin sa mga graduate ng K-12 program ang hindi nakakakuha ng trabaho dahil college graduate pa rin ang hanap ng malalaking kumpanya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us