Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay sa panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming pools at bathing facilities na magtalaga ng lifeguard.

Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng naitalang mahigit sa 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod nitong Holy Week at bakasyon.

Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang panahong inilaan para makasama ang pamilya ay nauwi sa trahedya para sa iba.

Giniit ng mambabatas na maaari sanang maiwasan sa hinaharap ang mga ganitong insidente ng pagkalunod kung ang bawat pampublikong swimming pool ay may nakabantay na lifeguard para matiyak ang kaligtasan ng mga magsu-swimming lalo na ang mga bata.

Dahil dito ay ipinasasabatas agad ni Gatchalian ang Senate Bill 1142 o panukalang Lifeguard Act of 2022, kung saan ang bawat public swimming pool ay pinalalagyan ng kahit isang lifeguard na magbabantay sa buong oras ng operasyon.

Kung malaki naman ang isang public swimming pool ay dapat mayroong nakatalaga na isang lifeguard sa bawat 250 square meters ng pool at ang mga lifeguard ay certified mula sa mga nationally recognized na organisasyon na accredited ng Department of Health (DOH). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us