Panukalang Trabaho Para sa Bayan, tutugon sa problema ng job-skills mismatch sa bansa — Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinunto ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na makakatulong ang panukalang Trabaho Para sa Bayan (Senate bill 2035) para matugunan ang job-skills mismatch na nararanasan lalo na ng mga fresh graduates ngayon.

Ayon kay Villanueva, ang naturang panukala na nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado, ay layong pasiglahin ang national at local economic growth and development sa pamamagitan ng paghahanay ng investment at iba pang mga insentibo.

Titiyakin aniya nito ang pagkakaroon ng mabisa at napapanahong paghahatid ng industry-relevant skills training at enhancement programs na nakalinya sa pangangailangan ng labor market.

Bibigyan rin nito ng suporta at insentibo ang mga umiiral at umuusbong na mga negosyo gayundin ang mga employer, industry stakeholder at iba pang organisasyon sa pribadong sektor na nag-aalok ng training, technology, knowledge at skills transfer.

Ang pahayag na ito ng senador ay napapanahon kasunod ng paglalabas ng Commission on Human Rights (CHR) ng situational report na nagsasabing nahihirapang makahanap ng trabaho ang mga nagsipagtapos nitong pandemya dahil sa kakulangan ng soft at practical job skills. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us