Parañaque LGU at DOLE, namahagi ng pangkabuhayan package sa mga tricycle drivers sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng pangkabuhayan pagkage ang lokal na pamahalaan ng Parañaque katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pangkabuhayan package para sa mga tricycle drivers sa lungsod.

Isa sa mga naunang bigyan ng naturang programa ang Maywood II Savvy 25 Tricycle Owners and Drivers Association (MASATODA) sa Parañaque City Hall Grounds.

Personal na ibinigay ni Parañaque City Mayor Eric Olivares ang naturang packages.

Aniya, layon ng naturang pamamahagi ng livelihood packages na matulungan ang mga residenteng kabilang sa marginalized groups sa pamamagitan ng livelihood assistance.

Ang nilalaman ng naturang livelihood assistance ay iba’t ibang tricycle spare parts at accessories na kailangan ng mga kasapi ng asosasyon na nagkakahalaga ng P150,000 mula sa pondo ng DOLE.

Sa huli, payo ni Mayor Olivares na pag-ibayuhin nila ang kanilang pamamasada at lalo’t malaki na ang maibabawas nito sa kanilang gastusin sa pamamasada. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us