Pasig LGU, aprubado na ang supplemental budget para sa solid waste management ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na inaprubahan na ng City Council ang supplemental budget para sa Solid Waste Management Office ngayong taong 2023.

Ayon kay Sotto, gagamitin ito para sa pagbili ng dalawang karagdagang garbage trucks na susuporta sa planong transition o proyektong Solid Waste Collection and Management by Administration.

Ito ang programa ng city government na target ma-institutionalize sa loob ng limang taon matapos ang pilot testing.

Sinabi ni Sotto na simula nang ipatupad ang Solid Waste Collection and Management by Administration project ay nabawasan ang mga reklamo hinggil sa koleksyon ng basura.

Ipinaalala rin ng alkalde sa SWMO na isama na sa Annual Investment Plan sa susunod na taon ang pagdadagdag ng garbage trucks upang maipatupad na rin ang proyekto sa ibang barangay.  | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us