PBBM, magiging punong-abala sa pagkikita nila ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa Malacañang mamayang hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkikita mamayang hapon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala na nasa bansa sa kasalukuyan para sa isang official visit.

Bahagi ng official visit ng lider ng Czech Republic ang magiging pulong nila ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacañang.

Pero bago ito ay magkakaroon muna ng welcome ceremony sa pagdating ng Punong Ministro ng Czech Republic sa Kalayaan Grounds ng Palasyo.

Kasunod nito ay ang tradisyonal na paglagda sa guestbook bago ang bilateral meeting ng dalawang lider na kung saan ay inaasahang mapag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa defense cooperation, trade and investment, university linkages, judicial, at labor cooperation.

Ilang kasunduan din ang lalagdaan nina Pangulong Marcos at ni Prime Minister Fiala at joint press statement.

Si Prime Minister Fiala ay dumating kagabi via Villamor airbase at bago naman umalis bukas ay mag-aalay muna ng bulaklak sa bantayog ng Pambansang bayaninh si Dr. Jose Rizal sa Luneta. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us