Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-tally ng Philippine Coast Guard sa mga ‘drowning incident’ ngayong long vacation.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo patuloy pa rin nilang kinukuha ang mga report galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pero isa aniya sa pinakanakalulungkot na natanggap nilang balita ay ang pagkalunod ng anim na kabataan sa Bicol.
Paliwanag ni Balilo, bagamat may mga rescue teams ang PCG at lifeguards sa mga beach ay responsibilidad ng mga kasamang nakatatanda ang mga batang lumalangoy lalo na at mabilis ang mga pangyayari sa ganitong sitwasyon.
Sa ngayon ani Balilo, samu’t saring ‘drowning incident’ ang nairereport sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mga nakainom at nagpilit lumangoy. | ulat ni Lorenz Tanjoco