PDEG director, tatalima sa panawagan ni DILG Sec. Abalos na mag-leave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatalima si Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brigadier General Narciso Domingo sa panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos na file mag-leave of absence.

Ito’y matapos pangalanan ni Abalos kagabi si Brig. Gen. Domingo na isa umano sa 10 opisyal na sangkot sa tangkang “cover up” sa nakumpiskang 990 kilos ng shabu noong nakaraang Oktubre.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga sinabi ni Brig. Gen. Domingo na magpa-file siya ng Leave of Absence para hindi maka-impluwensya sa imbestigasyon.

Gayunman, nagpahayag ng pagkadismaya ang opisyal na pinagdududahan siya sa sinasabi ni Abalos na “cover up”.

Giit ng opisyal, kung hindi dahil sa kanilang pagsisikap, hindi mahuhuli si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., ang may-ari ng lending business kung saan natagpuan ang malaking halaga ng droga.

Inamin naman ng opisyal na may mga “lapses” ang kanilang isinagawang operasyon, pero lahat ng ebidensya nilang nakuha ay ni-report nila kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us