Binuksan na sa publiko ng Quezon City Government ang pedestrian underpass na nag-uugnay sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle na may bagong art installation.
Dahil sa bagong mukha ng underpass, tinawag itong “QC Underparadisso,” isang giant artwork na kakikitaan ng endangered Philippine flora at fauna.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa pagbubukas ng underpass kaninang hapon.
Ang pagbubukas ng QC Underparadisso ay bahagi ng selebrasyon sa Earth Day ng Quezon City government. | ulat ni Rey Ferrer