Petisyon sa legalidad ng SIM Registration Law, pinauubaya na ni Sen. Poe Korte Suprema

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinauubaya na ni Senate Committee on Public Services on Chairperson Senador Grace Poe sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang desisyon tungkol sa SIM Registration Law.

Kasunod ito ng inihaing petisyon sa Supreme Court kaugnay ng legalidad ng pagpapatupad ng naturang batas.

Nirerespeto aniya ng senador ang proseso ng Kataas-taasang Hukuman sa pagtalakay ng petisyon.

Ayon kay Poe, na siyang naging sponsor ng panukala sa Senado, pinagtrabahuhan at inilaban nilang maigi ang pagapapasa ng batas na ito sa layong masugpo ang mga scam at spam, na nambibiktima ng publiko at ang ilan ay nagreresulta pa sa financial losses na naglalagay sa panganib sa isang consumer.

Ang batas aniyang ito ay naglatag ng mga safeguard na magtitiyak ng right to privacy ng mga cinsumer habang tinitiyak ang pagkakaroon ng safe and secure mobile use. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us