Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Catanduanes kasunod ng tumamang Magnitude 6.2 na lindol sa lalawigan kagabi.
Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-5 ng madaling araw ay mayroon nang 26 aftershocks ang naitala.
Mula rito, anim ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 2.4 hanggang 4.9.
Una na ring kinansela ng PHIVOLCS ang tsunami warning nito matapos na humupa ang minor sea level disturbance sa ilang baybayin kasunod ng malakas na pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa