Php1.4 billion, inilaan ng Marcos Administration para sa employment programs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaglaanan ng Department of Budget and Management (DBM) ng Php1.4 billion na pondo ngayong 2023, ang strategic programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan mabigyan ng trabaho ang mga kabataang Pilipino.

Kabibilangan ito ng Government Internship Program, Special Program for Employment of Students, at Job Search Assistance.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pagkakaroon ng produktibo at equipped na workforce ay may malaking papel sa layunin ng pamahalaan na maisulong ang progreso at pag-unlad sa bansa.

“In our goal of attaining progress and prosperity, we believe that having a healthy, productive, and equipped workforce will play a great role. That’s why President Ferdinand Marcos Jr. directed us to give prime importance in investing in our labor workforce, especially the youth,” — Secretary Pangandaman.

Sa ilalim ng 2023 national budget, ang Government Internship Program ng DOLE ay pinaglaanan ng Php708 million.

Nasa Php769 million naman ang para sa Employment Facilitation Program.

Ang programang ito ay kinabibilangan ng tatlo hanggang anim na buwang internship opportunities para sa high school, technical-vocational, at college graduates na nais magtrabaho sa gobyerno.

Inaasang nasa 12,000 benepisyarso ang makikinabang dito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us