Bumubuo ang America at Pilipinas sa pamamagitan ng apat na leader ng dalawang bansa kabilang sina Secretary of State Antony Blinken, Secretary of National Defense Carlito Galvez, and Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo ng bago at mas malim na ugnayan para mapanatili ang kaayusan at masunod ang mga panuntunang internasyonal sa Indo-Pacific Region.
Ayon kay Secretary of Defense Lloyd J. Austin III, muling pinagtibay ng mga Kalihim ang pangakong alyansa sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty.
Dahil dito kinukunsidera ang Coast Guards bilang bahagi ng sandatahang lakas na magtatanggol laban sa panlabas na armadong pag-atake sa Pasipiko tulad ng South China Sea.
Nangako ang kalihim na mabilis na tatapusin ang guidelines ng U.S.- Philippines Bilateral Defense.
Magpupulong muli sina Secretary Austin and Secretary Galvez, para sa mga inisyatibo at detalye ng depensa sa West Philippine Sea.
Nakikipag-ugnayan na rin ang America sa Australia at Japan na may kaparehong layunin na dapat respetuhin ang mga teritoryo at may kayalaan sa karagatan. | ulat ni Don King Zarate