Pilipinas, dapat nang sundin ang int’l standards laban sa biosafety threats

Facebook
Twitter
LinkedIn

?????????, ????? ???? ?????? ??? ???’? ????????? ????? ?? ????????? ???????

Muling binigyang diin ni Albay Rep. Joey Salceda ang pangangailangan sa mas mahigpit na mekanismo at pagbabantay laban sa biosafety threats.

Ito ang inihayag ni Salceda sa kanyang pagharap sa General Membership Meeting ng United Broiler Raisers Association (UBRA).

Isa kasi sa ikinababahala ng UBRA ay ang pagsasagawa ng biosafety inspection hindi sa point of entry ngunit sa mga cold storages na.

Ibig sabihin posibleng anomang sakit gaya ng African Swine o Avian Influenza ay nakapasok na ng bansa.

Dahil dito hinimok ng Albay solon ang Bureau of Animal Industry na sundin ang international standards at gawin ang insepksyon sa point of entry.

“We also need stronger mechanisms to detect and contain Avian Flu. This one’s deadly and potentially zoonotic. When it passes on to humans, mortality is 56%. And it has so far killed off wild birds at a rate that the world has never seen in any past strain. So, this one could have catastrophic impacts on Philippine agriculture if we don’t get it right. It could also be a public health crisis in the waiting.” babala ng mambabatas.

Hinimok din nito si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng isang interagency task force na magbabantay sa emerging agricultural biosafety threats. | via Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us