Tiniyak ng bagong PNP Chief na si Maj. Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga kongresista na handang makipagtulungan ang pambansang pulisya sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng mga pulis sa 990-kilo shabu haul cover up.
Personal na dumalo si Acorda sa inquiry in-aid of legislation ng House Committee on Dangerous Drugs kasama ang mga pulis na sinasabing sangkot sa isyu.
Sakali rin aniyang kailanganin ipatawag ang iba pang police officials ay handa siyang padaluhin ang mga ito.
“We are very much thankful and I brought with me the officers that are concerned, that were involved in the investigation. Later on, if there will be a need for other sessions or executive sessions and other officers to be invited we are very much willing to have them report to this committee.” pagtitiyak ng PNP chief.
Pagsisiguro pa ng Chief of Police na hindi niya kukunsintihin ang sinumang miyembro ng kapulisan na sangkot sa iligal na gawain, lalo na sa droga.
“The PNP, especially under my leadership, does not and will not tolerate any wrongdoings, misconduct, and violation of laws of erring personnel” ani Acorda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes