PNP Civil Security Group, may paalala sa mga security guard sa iba’t ibang terminal ng public transport ngayong pasimula na ang holiday exodus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa rin ng pag-iinspeksyon sa mga terminal ng pampublikong transportasyon si Philippine National Police – Civil Security Group o PNP-CSG Director, P/BGen. Benjamin Silo

Ito’y para tingnan kung nasusunod ba ng mga security guard ng mga terminal ang kanilang trabaho at obligasyon kaugnay sa pagbibigay serbisyo sa mga pasahero ngayong Semana Santa.

Unang binisita ni B/Gen. Silo ang mga bus terminal sa Cubao, Quezon City gayundin sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Dito, kaniyang pinaalalahanan ang mga security guard na sundin ang tamang paghihigpit nang hindi makaaabala at mayroong paggalang sa mga pasahero.

May 2 pang security guard sa Cubao Terminal ang kaniyang nasita dahil sa walang Duty Details Order o DDO ang mga ito na kinakailangan bago sila mag-duty. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us