Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang Mayor ng Busan, South Korea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mambabatas na makapulong ang Mayor ng Busan, South Korea.

Bahagi ito ng pagbisita ng ilan sa miyembro ng House of Representatives sa Republic of South Korea, sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Baguio Representative Mark Go, kabilang sa natalakay nila kasama si Busan Mayor Park Heong-Joon ang port redevelopment sa Pilipinas partikular sa Central Luzon.

Isa kasi aniya ang Busan sa may pinakamaayos na port facility maliban pa sa pagiging isa rin sa pinakamalaking passenger at container port.

Kasama rin sa napag-usapan ang posibleng kooperasyon sa sektor ng agrikultura at digital technology. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us