Pursigido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mga makabagong pagbabago sa larangan ng pagnenegosyo sa bansa.
Ito na kasi, sabi ng Punong Ehekutibo ang environment sa aspeto ng trade na sinisikap aniya ng kanyang administrasyon na ihikayat hanggang sa hanay ng mga nasa MSMEs.
Dito sabi ng Pangulong Marcos na pumapasok ang tulong ng gobyerno lalo na sa mga start ups o sa mga nais magsimula ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
Pero dahil hindi aniya mulat sa bagong teknolohiya ay may mga hindi natutuloy dahil sa bagong sistema.
Ito sabi ng Chief Executive ang ginagawan ng paraan ng pamahalaan lalo’t nakagiya na ang direksiyon ng ekonomiya sa new technology. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President