Pres. Marcos Jr., ibinahagi kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala ang positibong usad ng ekonomiya ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bumisitang lider ng Czech Republic ang positibong development hinggil sa estado ng ekonomiya ng bansa.

Sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos at ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa Malacañang, sinabi ng Punong Ehekutibo na kanyang ibinahagi sa Punong Ministro ang mataas ring GDP growth rate ng Pilipinas.

Bukod dito ay inilahad din ng Chief Executive ang matatag na economic outlook ng bansa sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya ng buong mundo.

Nagkaroon din ng palitan ng pananaw ang dalawang lider hinggil sa ilang regional at international issues kabilang na dito ang West Philippine Sea gayudin ang tungkol sa Ukraine war.

Kapwa din tiniyak ng Pangulo at ni Prime Minister Fiala ang kanilang commitment sa demokrasya, karapatang pantao, at rule of law. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us