Bilang pagkilala na din sa sakripisyo na ibinibigay ng mga sundalong Pilipino para sa bayan, nagpasya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpa- concert para sa ating mga kawal sa Palasyo kasama ang kanilang pamilya.
Tatawagin itong KSP o Konsiyerto sa Palasyo na kung saan, lalahukan ito ng iba’t ibang performers na nasa linya ng pagra-rap, mga rock vocalist, theater artists, beatbox artists, at marami pang iba.
Ang mga performers ay mga talentadong kababayan natin mula sa Cebu, Iloilo, Metro Manila, Quezon, Cavite, Davao, at Ilocos Norte.
Ang Konsiyerto sa Palasyo, Awit ng Magiting ay gagawin sa April 22, at inorganisa ng Office of the President, Presidential Communications Office (PCO), Social Secretary’s Office, at Presidential Broadcast Staff-RTVM.
Alas-6:30 ng gabi ang itinakdang oras ng concert sa susunod na Sabado at bago ang petsa ng Konsiyerto ay iaanunsiyo ng Palasyo kung sino-sino ang mga magpe- perform. | ulat ni Alvin Baltazar