Pres. Marcos Jr., nag-wedding proposal kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang 30th wedding anniversary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napuno ng kilig ang ika-30 anibesaryo ng pag-iisang dibdib nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ito ay nang nag-propose ang Pangulo ng kasal sa Unang Ginang na idinaan pa muna sa liham.

Naka-saad sa sulat ng Pangulo “Make all my dreams come true. Marry me Again.”

Nakasaad naman sa caption sa Facebook post ng Pangulo na “She said yes again” na ang ibig sabihin ay, ibinigay ng First Lady sa Chief Executive ang kanyang matamis na Oo at muli niyang pakasalan ang kanyang lalaking minahal 30 taon na ang nakakaraan.

Ang wedding proposal ay hindi lamang idinaan sa liham kundi naipakita rin sa larawan ang tipikal na pagluhod ng isang nag-aalok ng kasal, sabay umang ng singsing sa isang nililigawan o inaalok ng kasal.

Wala pa namang naitakdang petsa ng magiging kasalan nina Pangulong Marcos at ni First Lady Liza.

Kita naman sa background habang isinasagawa ang proposal ay sina Presidential Son at Representative Zandro Marcos gayundin si Vinny Marcos at mga malalapit na kaibigan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us