Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa PH team na mga kabataang lumahok sa Thailand Int’l Mathematical Olympiad 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na nagpaabot ng kanyang congratulations si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kabataang bumubuo ng Onsite Philippine Team.

Ito ang mga kabataang nakilahok sa International Mathematical Olympiad 2023 Final Round na ginawa sa Thailand.

Ayon sa Pangulo, kahanga-hanga ang nasabing achievement ng nabanggit na mga kabataan.

Sa gitna aniya ng kanilang murang edad ay nakamit ng mga ito ang naturang tagumpay bunga na din ng pagsisikap na sana ayon sa Pangulo ay magbigay ng patuloy na inspirasyon sa nakararami nating mga kababayan.

Napag-alamang 37 gold medals, 21 silver medals, 23 bronze medals, at apat na merit cerificate ang nakopo ng Onsite Philippine Team sa Thailand International Mathematical Olympiad 2023 Final Round. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us