Presyo ng mga nakumpiskang smuggled sugar na ibebenta sa Kadiwa Stores, kayang ibaba sa Php50-60 kada kilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Risa Hontiveros, dapat ay Php50 to Php60 kada kilo ang bentahan sa Kadiwa Stores ng mga smuggled na asukal na nakukumpiska ng pamahalaan.

Matatandaang kamakailan ay inanunsiyo ng Malacañang na ibebenta ngayong Abril ang mga nakumpiskang asukal sa Kadiwa Stores sa presyong Php70 kada kilo.

Paliwanag ni Hontiveros, sa kanilang pagkwenta ay may Php28 kada kilo na ibinebentang asukal mula sa bansang Thailand.

Kaya kung pagbabatayan ang 440,000 metric tons ng smuggled sugar na pumasok sa bansa ay kaya aniyang ibaba ang presyo ng asukal sa Php50 to 60 per kilo.

Patas na midpoint na aniya ito aa Php20 at 70 per kilo na bentahan.

Aminado naman si Hontiveros, na hindi tamang ibenta ang mga nakukumpiskang smuggled na produkto bagkus ay dapat itong sinisira o kung hindi kaya ay ibinabalik sa pinanggalingan.

Pero dahil sa kakapusan ng suplay ang bansa, nakakapanghinayang na itapon na lamang ang mga nasasabat na smuggled sugar. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us