Primary process sa AICS, ibinalik na sa DSWD Central Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na ngayong araw sa Central Office ng Department of Social Welfare and Development ang Step 1 ng pagproseso ng Assistance To Individuals In Crisis Situations (AICS) Program.

Nagpaalala ang DSWD na hanggang alas-tres ng hapon (3pm) lamang mula alas-sais ng umaga (6am), Lunes hanggang Biyernes ang pagtanggap sa mga kliyente o hihingi ng tulong.

Huwag kalimutanng dalhin ang kumpletong dokumento na angkop sa inilalapit na tulong sa programa.

Kabilang sa Step 1 process ang initial screening ng documentary requirements at ang pagbibigay ng iskedyul sa mga kliyente para sa karagdagang assessment.

Matatandaan na pansamantalang isinasagawa ang primary process sa Quezon Memorial Circle habang isinasailalim sa renovations ang processing area ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us