Problema sa kuryente ng mga taga-Mindoro, hinahanapan na ng solusyon ng pamahalaan — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Batid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang problemang kinakaharap ng mga taga-Mindoro partikular sa usapin ng nipis ng power supply o kuryente sa lugar.

Sa pagbisita ng Pangulo nitong weekend sa Oriental Mindoro na kung saan ay kinamusta nito ang mga residenteng apektado ng oil spill, sinabi ng Chief Executive na ilang opsiyon ang ikinukunsidera para masolusyonan ang problema.

Isa na dito ang paglalatag ng submarine cable lalo’t may area aniya na malapit sa Oriental na may surplus na maaaring pagkunan ng kuryente

Ikalawa ay ang paghahanap ng renewable energy na maaaring ilagay sa lugar, at ang ikatlo ay ang paggamit ng solar energy na kahit naman aniya saang lugar sa bansa ay maaaring gamitin.

Nariyan din dagdag ng Pangulo ang wind power dangan at lahat aniya ng paraan ay gagawin ng pamahalaan para tugunan ang problema sa kuryente ng mga taga-Mindoro.

Ayon sa Presidente, alam niya ang malaking problemang ito at ang Mindoro nga aniya ang pinakakulang kung pag- uusapan ay power supply. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us