Publiko, walang dapat ikabahala sa pagtaas ng COVID-19 cases — DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang dapat ipangamba ang publiko sa kalagayan ng bansa sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo.

Sinabi ni Health Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matibay ang wall of immunity ng mga Pilipino dahil sa mataas na turn out ng mga nagpabakuna.

Hindi rin daw ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask kung saan mananatili itong boluntaryo.

Aminado si Vergeire, na tumataas ang positivity rate ng COVID-19 kung saan naitala ang 6.9 percent noong nakaraang linggo, at tumaas pa sa 7.6% sa pagpasok ng linggong ito.

Noong nakaraang linggo, nakapagtala ang DOH ng 274 kaso kada araw, at umakyat ito ngayong Linggo sa 371 positive cases kada araw.

Sa kabila nito, hinikayat niya ang publiko na magpabakuna lalo na at inaprubahan na nila ang guidelines ng 2nd booster shots. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us