Pulong nina Pres. Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, nakatulong na mabigyang-linaw ang unpaid claims ng distressed OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Migrant Workers Secretary Susan Ople na malaki ang naging epekto ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa APEC Summit noong Nobyembre, kaya nagkaroon ng linaw ang isyu sa unpaid claims ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Ople, base sa mga naunang pag-uusap ay nais na rin ng Saudi Government na maresolba ang hindi nababayarang claims na walong taon nang inaasam.

Patunay ito ng sinserong pakikipagkaibigan ng Crown Prince kay Pangulong Marcos, at concern para sa kapakanan ng mga Pilipino dahil sa decisive na direksyon ng kanyang gobyerno.

Nagkaroon din aniya ng shortcut sa proseso dahil noon ay kailangan pang hintayin ang desisyon ng korte ukol sa pagkabangkarote ng mga kumpanya.

Paliwanag pa ni Ople, noon ay hinahabol ng manggagawa ang kanilang employer para sa claims, ngunit ngayon ay gobyerno na mismo ng Pilipinas ang mag-aasikaso ng lahat.

Iginiit naman ng kalihim, na malinaw na ngayon sa dalawang panig ang expectations at kung sino ang dapat kausapin hinggil sa isyu. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us