Recovery plan kaugnay ng insidente ng oil spill, pinagpulungan sa DENR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsagawa ng pulong ang Department of Environment and Natural Resources sa ilang ahensya ng pamahalaan para talakayin ang recovery plan sa MT Princess Empress Oil Spill.

Pinangunahan ni Environment Sec. Antonia Loyzaga ang pulong kasama sina Tourism Sec Christina Frasco, Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno.

Pangunahing tinalakay rito ang integration ng recovery plans ng mga ahensyang nangunguna sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Pinag-usapan rin ang rehabilitation plan para sa mga sektor na apektado ng oil spill kabilang dito ang tourism sector.

Ayon kay Sec. Frasco, nasa 1,600 tourism workers ang nawalan ng hanapbunay dahil sa oil spill.

Ipinunto naman ni DENR Sec. Loyzaga na mahalaga ang kolaborasyon ng mga ahensya para mapalawak ang rehabilitation efforts at mapabilis ang pagbangon ng mga lugar na apektado ng oil spill.

Una nang sinabi ng DENR na umaasa itong makontrol na ang oil spill leakage sa loob ng isang buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us