“Red Teams” ide-deploy ng PNP para masiguro na maayos ang security measures ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni PNP Officer in Charge, Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na magpapalabas ng “Red Teams” ang Philippine National Police (PNP) para masiguro na maayos ang latag ng seguridad ngayong Semana Santa.

Ayon kay Gen. Sermonia, ang mga red teams na mag-iinspeksyon sa deployment ng mga pulis, ay nasa superbisyon ng Deputy Director for Operations (DDOs) at Deputy Regional Director for Operations (DRDOs).

Kasabay nito, inatasan ni Lt. Gen. Sermonia ang lahat ng unit ng PNP na paiiralin ang heightened alert status ngayong Semana Santa.

Ang heightened alert status ay naging epektibo ng alas-8:00 ng umaga kahapon at tatagal hanggang alas-8:00 ng umaga sa Abril 11.

Ipinaubaya naman ni Lt. Gen. Sermonia sa mga Police Regional Offices ang pagtakda ng mas mataas na alert level depende sa situasyon sa kanilang area of responsibility. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us