Regulasyon sa paluwagan, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukala ang inihain sa Kamara na layong i-regulate ang operasyon ng community microfinance group o paluwagan.

Sa ilalim ng House Bill 7757 o Community Paluwagan Microfinance Act nina Manila Teachers Party-list Rep. Virgilio Lacson at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, magtatatag ng isang independent agency na siyang mamamahala sa paluwagan.

Pangunahing magiging mandato ng Paluwagan Microfinance Administration ang regulasyon at pagpaparehistro ng mga nais na magtayo ng paluwagan sa kanilang lugar.

Magkakaroon din ng isang Paluwagan Insurance Fund na magsisilbing proteksyon ng mga miyembro para mabawi ang kanilang pera sakaling magsara ang kanilang paluwagan.

Umaasa ang dalawang party-list solon na sa pamamagitan ng panukala ay maiwasan na ang mga sumasali sa paluwagan na natatakbuhan at hindi na nababawi ang kanilang ibinigay na pera. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us