Inaasahang masisimulan na ang full rehabilitation ng Kennon Road sa susunod na taon.
Batay ito sa naging pulong sa pagitan nina Baguio Rep. Mark Go at DPWH Secretary Manuel Bonoan at DPWH Usec. Cathy Cabral kamakailan.
Hiniling ng mambabatas ang pulong upang makakuha ng update hinggil sa isinagawang feasibility study sa Kennon Road at ang pagpapatupad sa RA 11604 o Full Rehabilitation and Maintenance of Kennon Road Act.
Ayon aniya kay Sec. Bonoan, kabilang sa rekomendasyon ay ang pagkakaroon ng tunnels, tulay at dagdag na slope protection mechanism.
Oras naman na maisakatuparan ang rehabilitasyon ng isa sa pangunahing kalsada papunta ng Baguio City ay inaasahan na magiging ligtas at passable na ito sa kabuuan ng taon.
Dahil kasi sa kasalukuyang sitwasyon sa Kennon Road ay may mga pagkakataon na isinasara ito sa mga motorista lalo na kapag panahon ng tag-ulan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes