Rekomendasyon na ibalik sa summer season ang academic break, dedesisyunan sa lalong madaling panahon — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumasailalim pa sa pag-aaral ang mga rekomendasyon na ibalik sa buwan ng Marso o sa summer season ang bakasyon ng mga mag-aaral, na kasalukuyang nakatakda sa buwan ng Hulyo at Agosto.

Ang mga suhestyong ito ay sa gitna na rin ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.

“Pinag-aaralan natin nang mabuti ‘yan dahil nga marami nga nagsasabi, puwede na tapos na ‘yung lockdown, karamihan na ng eskuwela face-to-face na. Kakaunti na lang ‘yung hindi na. At ‘yung ating ginagawa na sistema na hybrid system na may pumapasok, mayroon nasa nagzo-zoom o kung anong klaseng pag-remote na pag-attendance.” —Pangulong Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bukod kasi sa usapin ng COVID-19 pandemic, binabalanse rin ng pamahalaan ang lagay ng panahon.

“Ngunit, mayroon pa rin tayong emergency. Sabi ng WHO, emergency pa rin. Hindi pa rin natatapos. ‘Yung Amerika, tinanggal na nila ‘yung emergency status. Tayo medyo binawasan na natin ang emergency status pero kailangan pa rin natin tingnan kung ano ang advice, ano ‘yung payo na binibigay sa’tin ng World Health Organization.” — Pangulong Marcos.

Paliwanag ng pangulo tuwing Hunyo at Hulyo kasi nararanasan ang mga pag-ulan sa bansa, dahilan ng kanselasyon ng pasok ng mga mag-aaral.

Naniniwala naman ang pangulo na madi-desisyunan sa lalong madaling panahon ang usaping ito.

“Pero palagay ko, ‘yang diskusyon na ‘yan madedesiyunan ‘yan very soon. Binabagay kasi natin talaga ‘yan sa seasons eh. ‘Yun ang naging problema, kung ibabalik o hindi dahil hindi na masabi kung kailan mag-uumpisa ang ulan, kung kailan magiging mainit.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us