Relasyon ng naarestong mastermind sa Degamo slay case kay Rep. Teves, idinetalye ni Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagal nang naninilbihan bilang security at bodyguard ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. ang naarestong si Marvin Miranda, na isa sa mga itinuturong utak sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo Crame.

Ayon kay Abalos, napakahalaga ang naging papel ni Miranda sa pagpaplano gayundin sa mismong pagpatay kay Gov. Degamo, lalo at malakas ang ugnayan nito kay Rep. Teves Jr.

Dagdag pa ni Sec. Abalos, na sumusunod si Miranda tinatawag niyang “boss idol, big boss o kalbo” na siyang sumagot aniya ng material support sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Bagay na kinumpirma naman kalaunan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na si Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr.

Sa kasalukuyan ayon kay Abalos, nasa 12 nang mga suspek sa pagpatay kay Degamo ang accounted, at 11 dito ang hawak na ng National Bureau of Investigation habang isa naman ay napatay sa follow up operations.

Pagbubunyag pa ni Abalos, nakapangalan din kay Rep. Teves Jr. ang isa sa mga baril na nakumpiska sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa HDJ Compound, na pagmamay-ari naman ng kapatid ng mambabatas na si dating Negros Gov. Pryde Henry Teves. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us