Reorganisasyon ng PDEG, inirekomenda ng SITG 990

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirerekomenda ng Special Investigation Task Group 990 ang re-organisasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kasunod ng kanilang imbestigasyon sa operasyon kung saan narekober ang 990 kilo ng shabu.

Dito’y nadetermina na nagkaroon ng tangkang pagpupuslit ng mahigit 40 kilo ng shabu ang ilang mga tauhan ng PDEG.

Una na ring pinasampahan ng administratibo at kriminal na kaso ang 47 tauhan ng PDEG, kasama ang kanilang hepe na sa Police Brigadier General Narciso Domingo dahil sa mga natuklasang anomalya sa operasyon.

Inirekomenda rin ng SITG na pinamumunuan ni Directorate for Investigation and Detection Managaement (DIDM) Director Police Major General Eliseo Cruz ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga tauhan ng PDEG kada anim na buwan.

Kasama pa sa mga rekomendasyon ang paglimita sa assignment ng PDEG personnel sa tatlong taon; ang mas mahigpit ng vetting process ng PDEG personnel na isasagawa ng Intelligence Group (IG) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG); at ang striktong pagsusuot ng body camera sa lahat ng operasyon ng PDEG. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us