Rep. Teves, hindi na magtataka kung tuluyang mapaalis sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na magtataka si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. kung mapaalis siya bilang miyembro ng House of Representatives.

Ito ang tugon ni Teves nang matanong kung ano ang reaksiyon niya sa apela ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng nasawing si Negros Oriental Governor Roel Degamo, na i-expel si Teves.

Ayon sa mambabatas, bilib siya sa “power” o kapangyarihang mayroon ngayon si Degamo.

Aniya, isang hiling lang ng alkalde sa Senado na huwag siyang padaluhin via teleconferencing ay hindi na siya nabigyang pagkakataong makibahagi sa senate inquiry.

Kaya hindi malayo na pakinggan din ang apela nitong expulsion laban sa kaniya.

“I salute her power now. Because mag request lang siya sa senado na hindi ako pasalihin sa zoom automatic yung senado hindi ako pinapasali sa zoom. Hinanapan na lang ng rason. After I was invited formally to join via teleconferencing . Ngayon magrerequest na naman sya na ipa-expel ako, baka pakinggan din nila.” ani Teves.

March 22 nang pormal na matanggap ng Kamara ang naturang liham ni Mayor Degamo.

Ayon kay House Committee on Ethics and Privileges Chair Felimon Espares, kanilang aaralin kung may sapat na form at substance ang petisyon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us