Iniurong ng Civil Service Commission (CSC) sa Hunyo ang iskedyul para sa paglalabas ng resulta sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (???-???) na isinagawa noong March 26.
Ayon sa CSC, sa June 9 na ang bagong iskedyul para sa resulta ng pinakahuling Civil Service exam sa Professional at Subprofessional level.
Paliwanag nito, kailangang i-adjust ang timeline at pagproseso ng test results dahil sa malaking bilang ng examinees noong Marso.
Matatandaang umabot sa 403,567 na indibidwal ang kumuha ng pinakahuling CSE exam na higit doble ng 147,877 registrants noong August 2022 exams.
Ipapaskil naman ng CSC sa official website nito sa www.csc.gov.ph ang listahan ng topnotchers at mga nakapasa sa June 9 habang maaari namang mag-generate ng individual examination rating sa Online Civil Service Examination Result Generation System sa June 24. | ulat ni Merry Ann Bastasa