Review ng K-to-12 program, dapat iprayoridad ng mga ahensya ng gobyerno — Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Senador Grace Poe ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagtugon sa kakulangan ng kahandaan ng mga Pinoy graduates na nakakaapekto sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Ito ay bilang reaksyon sa inilabas na situational report ng Commission on Human Rights (CHR) na hirap makahanap ng trabaho ang mga nagsipagtapos nitong panahon ng pandemya dahil sa kakulangan ng soft at practical job skills.

Sinabi rin ni Poe na panahon nang magkaroon ng honest-to-goodness review ng K-to-12 program para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.

Dapat rin aniyang pag-aralang mabuti ng Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHED) kung anong mga kurso ang tugma sa pangangailangan ng labor market sa kasalukuyan.

Umaasa si Poe na bibigyang prayoridad ng mga ahensya ng gobyerno ang review na ito, na makatutulong rin sa ginagawang hiwalay na assessment ng Joint Congressional Oversight Committee on the K-to-12 program. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us