Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isinagawang sectoral meeting ngayong umaga.
Agenda ng isinagawang cluster meeting ang patungkol sa rightsizing program ng pamahalaan.
Kabilang sa sectoral meeting na pinangunahan ng Pangulo ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong at DBM Director John Aries Macaspac.
Kasama din sa pulong si Secretary Mark Llandro Mendoza ng Presidential Adviser Legislative Affairs at head ng Presidential Legislative Liaison Office.
Present din si Assistant Secretary Rose Virginie B. Iñigo ng Presidential Legislative Liaison Office.
Sa meeting ay binigyan ng update ang Pangulo hinggil sa usad o development ng ikinakasa ng government rightsizing na naglalayong mas palakasin pa ang institutional capacity ng pamahalaan at mas mapaganda pa ang serbisyo sa publiko. | ulat ni Alvin Baltazar
: Yummie Dingding