Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral pa ng kasalukuyang set-up sa executive branch, upang ma-determina ang mga redundant position, at mga function na maaari namang pag-isahin.
Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ang isa sa napag-usapan sa cluster meeting sa Malacañang ngayong araw, na sumentro sa National Government Rightsizing Program (NGRP).
Sa pulong, nilinaw ni Pangulong Marcos Jr. na hindi ang pagte-terminate ng mga kawani ng pamahalaan ang layunin ng hakbang na ito.
“Compared to previous government reorganization efforts, the NGRP, the President emphasized, would entail a comprehensive strategic review of the functions, operations, organization, systems, and processes of different government agencies.” saad ni Secretary Garafil.
Sinabi ng Pangulo na paraan lamang ito upang mapagigting ang kakayahan ng government employees, at mapabuti maging ang mga serbisyo at programang ibinibigay ng pamahalaan sa publiko.
“It will also involve massive and transformational initiatives in the agencies concerned, such as mergers, consolidation, splitting, transfer, and even the abolition of some offices. In response to the President’s SONA pronouncement, several bills were filed in Congress, such as House Bill No. 7240, which was approved by the House of Representatives on its third and final reading last March 14.” ani Secretary Garafil.
Ayon sa kalihim, ginamit naman ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) at ang Department of Budget and Management (DBM) ang pulong, upang magbigay ng update sa Pangulo, kaugnay sa estado at mahahalagang nilalaman ng panukala para dito.
“Among the salient provisions of HB No. 7240 are the mandatory coverage of all agencies of the executive branch, including departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, and all other entities attached to or under their administrative supervision, and government-owned or -controlled corporations (GOCCs) not covered under Republic Act No. 10149 or the GOCC Governance Act of 2011.” pahayag ni Secretary Garafil. | ulat ni Racquel Bayan