Roadmap to Address the Impact of El Niño, hiniling ni Deputy Speaker Recto na i-update

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiusap si Deputy Speaker Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangunahan ang pag-update sa “Roadmap to Address the Impact of El Nino” o RAIN.

Ayon kay Recto, binuo mismo ng NEDA ang naturang comprehensive strategy paper bilang gabay sa pagtugon ng bansa sa 2015-2016 El Niño.

Aniya, kailangan na lamang i-ayon at itugma ang naturang plano sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Punto ng mambabatas, mahalagang mapaghandaan ang El Niño dahil ang sektor ng agrikultura at livestock ang pinakatatamaan.

“Meron ng blueprint sa ganitong emergency. Kailangan lang ay to dust it off and brush it up, so it will be attuned to the unique characteristics of the 2023 version of El Niño. One big motivating factor for President Marcos Jr. to commission an El Nino response strategy is that (El Niño) will hit a sector which is under his jurisdiction – agriculture,” ani Recto.

Tinukoy ng Batangas solon na mayroon nang “preexisting comorbidities” ang agrikultura gaya ng mataas na presyo ng langis at fertilizer at muling pataas sa kaso ng African Swine Fever.

Kaya’t kung sasabayan aniya ito ng epekto ng panahon ay posibleng magkaroon din ng problema sa suplay ng pagkain.

“Scarcity in water leads to scarcity in food. This is not an alarmist statement. It is a fact, because without water, you cannot grow food. Umiinom ang hayop. At kailangan ang tubig upang panatilihing malinis at mapigilan ang sakit sa mga farms. May ASF na nga sa baboy, tapos dadagdag pa ang kakulangan sa tubig,” dagdag ni Recto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us