SDS Arroyo at Croatian Ambassador to PH, nagkasundong palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Croatia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahang lalalim pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Croatia kasunod ng pulong sa pagitan nina Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Croatian Ambassador to the Philippines Nebojša Koharović.

Sa kanilang pag-uusap, inilapit ni Arroyo ang pagnanais ng Pilipinas na manatili sa GSP-Plus (Generalized Scheme of Preferences Plus) o GSP+, isang zero duties incentive na ibinibigay ng European Union kung saan kabilang ang Croatia.

Hiniling din ng dating Pangulo ang suporta ng Croatia sa plano ng Pilipinas na maging non-government member ng United Nations Security Council para sa taong 2027-2028.

Kapalit naman nito ang suporta ng Pilipinas sa pagsali ng Croatia sa Human Rights Council.

“We are supporting you of it for human rights. So, it’s very important of countries like you, who were once upon a time very intimately connected with Russia, to be able to (give) your point of view in the council.”

Inaasahang bibisita si SDS Arroyo sa Croatia sa Hunyo matapos maitalaga ang kaniyang anak na si Lourdes “Luli” Arroyo-Bernas bilang Philippine Ambassador to Austria.

Inaral din ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagbubukas ng Embahada ng Pilipinas sa Croatia at Croatian Embassy dito sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us