Security at safety measures sa ilang terminal ng bus sa QC, ininspeksyon ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot ngayong umaga si Philippine National Police (PNP) OIC Lieutenant General Rhodel Sermonia sa ilang bus terminal sa Quezon City para inspeksyunin ang pagpapatupad ng seguridad lalo ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Kasamang nag-ikot ni Gen. Sermonia sina National Capital Region Police Office (NCRPO) RD Major General Edgar Allan Okubo, Quezon City Police District (QCPD) Chief Brigadier General Nick Torre III, at mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Health (DOH).

Kabilang sa binisita ng mga ito ang Araneta City Bus Port at ang Five Star Terminal sa Cubao, Quezon City.

Bukod sa security measures, partikular na sinilip din ni Gen. Sermonia sa mga first aid station at pinatitiyak na may mga naka-standby na ambulansya lalo na ngayong mainit ang panahon at uso ang heat stroke.

Nakiusap rin ito sa mga nakatalagang force multiplier na tulungan ang mga pasahero sa kanilang mga bagahe at alalayan din ang mga may bitbit na mga bata.

Bukod dito sa QC, mag-iikot rin sa mga terminal sa Maynila hanggang Parañaque ang mga opisyal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us