Sen. Bato dela Rosa, itinanggi ang alegasyong bias siya sa pagdinig ng mga kaso ng pamamaslang sa Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga alegasyon laban sa kanya, na siya ay ‘bias’ at nabayaran ni suspended Representative Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Sa pag-arangkada ng ikalawang pagdinig kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga lokal na opisyal, binigyang-diin ni dela Rosa na hindi siya kayang bayaran ng sinuman para lang paboran ang isang panig.

Itinanggi rin ni dela Rosa ang kumakalat na impormasyon na may kaugnayan ang asawa niya sa pamilya Teves.

Ipinaliwanag ng senador, na ang tiyahin ng kanyang asawa ay ikinasal sa isang Teves na taga-Dumaguete pero wala itong anumang kaugnayan sa pamilya ni Rep. Arnie Teves.

Samantala, humingi ng paumanhin si Pamplona Mayor Janice Degamo kay dela Rosa sa ngalan aniya ng mga residente ng Negros Oriental, dahil posible anyang ang mga alegasyon ay nagmumula sa mga nagmamahal sa napaslang na gobernador.

Agad namang nilinaw ni Mayor Degamo, na lubos siyang nagpapasalamat at naniniwala sa pagiging patas ng senate committee, dahil kahit naka-session break ang mga senador ay binigyan sila ng oras para maimbestigahan ang kaso ng kanyang pinaslang na asawa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us