Sen. Cynthia Villar, nagsalita na tungkol sa nag-viral na video na pinapagalitan umano nito ang ilang guwardiya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senadora Cynthia Villar na may malicious intent ang paglalabas ng video na pinagsasabihan ang guard ng isang subdivision sa Las Piñas City.

Sa pananaw ni Villar, may kinalaman ito sa inihain niyang kaso kaugnay ng pagbubukas ng ilang kalsada ng BF Resort Village sa publiko.

Una na kasing kinatigan ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) at naglabas na ng temporary restraining order (TRO) ang korte kaugnay ng petisyon na inihain nina Villar laban sa pagpapatupad ng bagong village traffic scheme ng BF Resort Village.

Ipinaliwanag din ng senadora ang nangyari sa nag-viral na video.

Aniya, kinakausap niya ang mga guwardiya at opisyal ng home owners association para tanggalin ang gate na humaharang sa itinayo niyang composting facility na dapat ay bukas sa publiko.

Nagulat at nagtaka aniya si Villar nang paulit-ulit na sinasabi ng kumukuha ng video, na napag-alamang ang presidente ng home owners, na huwag saktan ang security guard na kaharap niya ng panahong iyon.

Yun pala ay kinukunan na ng video ang pangyayari at ikakalat ito sa publiko.

Giit ni Villar, walang katotohanang sinaktan niya ang sekyu.

Sa laki aniya ng security guard kumpara sa kanya ay hindi niya ito makakayang saktan.

Kaugnay nito, sinabi ni Villar na magsasampa siya ng kaso kaugnay ng naturang pangyayari. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us