Sen. Gatchalian, tiniyak na pag-aaralang maigi ng EDCOMM2 ang 2022 School-to-Work transition report na inilabas ng CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na bubusisiing mabuti ng Second Congressional Commission on Education (EDCOMM2) ang mga hamon sa employability ng mga Pinoy graduates.

Tugon ito ni Gatchalian sa resulta ng Commission on Human Rights (CHR) School-to-Work Transition Report para sa taong 2022.

Ayon kay Gatchalian, na tumatayo ring co-chairperson ng EDCOMM2, kinukumpirma ng naturang report na hindi natupad ng Senior High School Program ang pangako nito na madaling makakahanap ng trabaho ang mga K-to-12 graduate.

Nangako si Gatchalian na pag-aaralang maigi ng EDCOMM2 ang nakasaad sa report at magpapanukala ng mga repormang makapagpapataas ng competitiveness ng mga kabataang Pilipino.

Kaugnay rin nito ay ipaprayoridad aniya ng senador ang pagpapasa ng inihain niyang Senate Bill 2022 o ang panukalang Batang Magaling Act na siyang magpapatibay aniya ng ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), local school boards at industry partners para tiyaking magkakaroon ang mga K-to-12 graduate ng sapat at tamang kaalaman, kasanayan, at training na kailangan ng job market. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us