Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito.
Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5 billion na toursim oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA).
Ipinunto ni Binay, na ang partikular na proyekto ay nakapaloob sa Public Private Partnership (PPP) na nakalinya sa mandato ng NPF, na ipakita ang kulturang Pinoy at maghanap ng ibang alternatibong source of income.
Sinang-ayunan ng senador ang opinyon ng COA, na dapat nang maghanap ang Nayong Pilipino ng alternatibong pagkukunan ng pondo para sa operasyon nito.
Gayunpaman, sinabi ni Binay, na dapat ay self sustaining Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ang Nayong Pilipino na mayroong prime assests na pagmamay ari, kabilang na ang 15 hectare property nila sa Bay City o ASEANA na dapat pang idevelop.
Nasa NPF na aniya kung paano nila mama-maximize ang kanilang mga property para makakuha ng pondo. | ulat ni Nimfa Asuncion