Senado, wala pang patawag sa Kamara hinggil sa pagpupulong ng Cha-Cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pa ring komunikasyon sa pagitan nina Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez at Senator Robin Padilla kung matutuloy ang pulong ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa Charter Change.

Ayon kay Rodriguez, wala ulit siyang natatanggap na imbitasyon mula kay Padilla.

“I didn’t receive any invitation yet,” saad ng mambabatas sa isang mensahe.

Isa sa mga kasamahang kongresista na si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ay hinihimok ang Senado at Kamara na ituloy na ang pulong para sa planong pag-amyenda sa Saligang Batas habang naka-break ang Kongreso.

Si Rodriguez ang chair ng House Committee on Constitutional Amendments habang si Padilla naman ang tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Inimbitahan ng komite ni Padilla si Rodriguez noong March 21 para sa pagtalakay ng Resolution of Both Housed No. 6 at House Bill 7352 o Constitutional Convention Act ngunit biglang kinansela ang imbitasyon sa pagdalo ni Rodriguez at ilan pang kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us