Nagsagawa ng send-off ceremony ang MIAA sa NAIA.
Ito ay para sa ‘Oplan Ligtas Biyahe 2023’ ngayong Semana Santa.
Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong umaasa sila na magiging matiwasay ang sitwasyon sa mga susunod na araw.
Mula sa iba’t ibang unit ng pamahalaan ang magbibigay seguridad sa paliparan kabilang na ang Aviation Security Airport Police Department, Philippine Coast Guard, Office for Transportation Security
Aabot sa isang libo ang mga tauhan na dineploy na OTS bukod pa sa 50 mga bagong hired na OTS personnel. | ulat ni Don King Zarate
: Karen Villanda | PTV