SILG Abalos, pinatitiyak ang seguridad at kaayusan sa Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. ang local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na magkasa na ng mga paghahanda para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa May 1, 2023.

Partikular na pinaalalahanan ng kalihim ang mga lungsod sa Metro Manila kung saan inaasahan ang mga demonstrasyon at rally ng iba’t ibang labor groups.

Ayon sa kalihim, dapat na talakayin na ng Regional Peace and Order Council (RPOC)-NCR at PNP ang mga paghahandang panseguridad kabilang ang security contingent na itatalaga sa mga convergence areas.

Hinikayat din nito ang mga alkalde sa Metro Manila na bumuo na ng strategic plan kung saan nakapaloob din ang traffic management, civil disturbance management, anti-criminality and counter-terrorism, at emergency response.

Ayon kay Abalos, maaaring makipag-ugnayan sa NCRPO gamit ang hotline 0915-888-8181 o 0999-901-8181. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us