SILG Abalos, suportado ang pamumuno ni bagong PNP Chief Gen. Acorda Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr., si General Benjamin Acorda, Jr. sa pagkakatalaga nito bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na naniniwala itong si Acorda ang karapat-dapat na mamuno sa PNP dahil sa kanyang malawak na karanasan at integridad.

Makakaasa naman aniya ang pambansang pulisya na sa ilalim ng pamumuno ni Acorda, ay patuloy ang suportang ibibigay ng DILG sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa kanilang hanay.

Inaasahan ng kalihim na susuportahan din at makikiisa ang buong puwersa ng PNP sa bagong liderato upang maayos na magampanan ni Gen. Acorda ang kanyang tungkulin at mandato.

Si Gen. Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 at naging pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP noong Agosto 2022, Palawan Police Provincial Office chief mula 2014 hanggang 2016, at nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office 10 ng Northern Mindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us